Monday, May 18, 2009

Joe Estrada Gusto Uli Magpresidente

5:18 PM | ,

Akalain mong sinabi pa ng uugod ugod na jueteng lord to, "I can run again for president"? Malamang minemorize niya yang line na yan bago sinabi sa media, di nga yata marunong magenglesh yang kumag na yan e. Kung maging presidente uli siya dadami nanaman ang jokes sa cellphone, at tataas ang text rates, medyo kikita ang Pilipinas. Pero maliban sa Erap jokes na magagawa ng maraming tambay sa kanto, wala ng maitutulong ang mahilig-sa-wrist-band na si Erap sa Pilipinas.

Di lang yan ha, inaasahan pa niyang mananalo siya uli. Naka-droga ba tong si Joseph Ejercito? Di ka pa ba nadala sa pagsipa sayo sa pwet palabas ng Malacanang ng mga tao? O baka naman nasarapan ka kasi sa pagsipa nila sa pwet mo?

Kung iisipin, napakatanga nga naman nitong naging presidente naten, maliban sa feeling, nagmamarunong pa.

Nga pala, magaling ba tong artista? Kung ako sakanya mag-artista nalang siya o kaya naman magstuntman para matuluyan na. Sawa na kong pinaguusapan si Erap e. Parang sarili na niyang show yung news e, masyadong papansin tong chubbing bigotilyo na to. Erap, kung ako sayo inunuod ko nalang ng Spongebob squarepants yan, kasi baka dun, maka-relate ka.

1 comments:

Papa Canton said...

Hoy! Idol ko si Erap ah! =p