Monday, May 18, 2009

Usapang NBA ba?

8:56 AM | ,

Dahil sports buff ako, inaabangan ko ang NBA. Magaling ba ako magbasketball? Tanong mo katulong namin, siya ka 1on1 ko e. Pero seriously, nanonood ako ng NBA, at ang latest na balita ay natanggal na ang Houston Rockets at Boston Celtics sa playoffs.

Tinalo ng Lakers ang Rockets sa game 7, at ang Orlando Magic naman ang lumampaso sa pagmumukha ng defending champions sa NBA. Di kinaya ng lakas ni Ray Allen, ang pagkabakaw ni Paul Pierce, at ang chambalerong si Glen Davis ang mala-terminator na si Dwight Howard. Sa kabila naman, natanga lang talaga ang Rockets, wala silang nagawa kay Pau Gasol.

Sa conference finals maglalaban ang di natatalong Cleveland Cavaliers na pinangungunahan ng halimaw na si LeBron James at ang Orlando Magic na balak ipanalo ni Dwight "pader" Howard. Sa western conference naman, si Kobe Bryant at ang napakadilaw na Los Angeles Lakers ay makikipagkumpetensya sa Denver Nuggets na puro panalo.

Sino sa tingin mo ang magwawagi sa mga laban na ito?




0 comments: